Pasko
December 26, 2008Panimula
Haay! Nakakabanas! Nakalimutan ko pa ang hudyat (password) ng aking panagutan (account) sa Windows XP; tuloy, hindi ko magamit ang aking mga talaksan (files), at kinailangan ko pang burahin lahat ng laman ng E:, at iluklok (install) muli ang Windows XP. Ngunit ayos lang, bukod sa pagkasayang ng aking panahon, hindi naman nawala nang tuluyan ang mga mahahalaga kong talaksan sa E:.
Ngayong Pasko, ‘di ko alam ngunit ‘di ko naramdaman ang “Paskong Pilipino” na sinasabi ng mga banyagang “pinakamahabang Pasko sa buong daigdig”. Mukhang umikli ang Paskong Pilipino ngayon: wala nang lubhang nagpapalamuti ng kanilang mga tahanan, ni wala na ring nagpaputok nitong Pasko.
Buti na lamang at nakatanggap ako ng isang pabigay mula sa aking pinsan, at mamahalin pa! Nakatanggap ako ng isang “Guiness Book of World Records 2009″.
Bukod sa pagkakamali sa pagkakalimbag nito (Sinasabi sa talata ng isang panid nitong “One of the best known is Rigel in the constellation…” habang sa isa namang mapaghambing na larawan ng nasabing bituin at araw, nakalagay na ang pangalan nito ay Reigel; maliit na pagkakamali lang naman.), lubha kong ikinagulat ’to nang nakita kong may-tala ang Pilipinas sa aklat na ito. Hindi si Pacquiao (Sinubukan ko rin siyang hanapin.), kundi isang tala ng Pilipinas bilang “PINAKAMARAMING PAGPATAY BAWAT TAON (BANSA)” (MOST MURDERS PER YEAR (COUNTRY)). Totoo! Maniwala ka man o hindi! At oo talagang nakamalaking-titik lahat ng mga ‘yan. Sabi ng aklat, mayroong 3,515 naitalang pamamatay-tao sa Pilipinas noong 2004 ayon sa Mga Nagkakaisang Bansa. Ilan kaya doon ang sa Pangulo? Hehehe.
Huling taon
Dahil, gaya ng aking sinabi, malamya ang pasko natin ngayon, at nakakatiyak akong sumasang-ayon kang talaga, magbabalik-tanaw na lamang ako sa mga nangyari isang taon nang nakakaraan. (Sisihin man natin ang pandaigdigang pananalaping pananalat o hindi.)
Nakatala ang kabuuan ng aking paglalakbay.
Disyembre 25, 2007
18:53 - Sumakay na ako sa tatgulong (tricycle) na papaalis ng aming nayon.
19:07 - Nakasakay na ako ng panlahat (bus) papuntang Kubao, Quezon mula Dasmariñas, Kabite. Dahil sa rami ng aming dala, nagbayad pa kami ng isang panibagong turok (ticket) upang may-mapaglagyan kami ng napakarami naming dalahin. PhP 105 ang aming binayaran (PhP 35 sa bawat tao).
19:24 - Naraanan namin ang Imus, Kabite.
19:44 - Naraanan namin ang Bakoor, Kabite.
20:46 - Narating na namin ang Kubao. Ngayon naghahanap na kami ng isang sangil (taxi).
21:06 - Nakasakay na kami ng isang sangil papuntang tigilan ng mga panlahat papuntang Baguio; nagbayad kami nang PhP 67.50.
21:11 - Nakasakay na kami sa panlahat sa tigilan nitong narating namin gamit ang sangil; malapit lamang ang tigilang ito sa isang sangay ng Equitable PCI Bank, at ang panalahat na ito ang Victory Liner #1917. Nagbayad kami nang PhP 780 (PhP 340 sa bawat tao).
21:45 - Nalagpasan na namin ang Dambanang EDSA.
22:03 - Pinasukan namin ang NLEX.
23:00 - Nilisan na namin ang NLEX.
Batay sa aking panunuos at pagmamasid tumatakbo ang aming panlahat sa NLEX sa kalahatang bilis na 90km/h.
23:06 - Nakarating na kami ng Tarlak.
23:32 - Kapas, Tarlak
23:50 - Tumigil ang aming panlahat upang magpalagay ng disel.
Disyembre 26, 2007
0:33 - Paniki, Tarlak
0:37 - San Isidro, Bagong Esiha
0:59 - Rosales, Pangasinan
1:01 - Villasis, Pangasinan
1:30 - Urdaneta
1:46 - Tumigil kami sa isang kainan.
2:14 - Rosario, La Union
2:21 - Pugo, La Union
4:03 - Narating na namin ang tigilan ng Victory Liner sa Baguio.
6:30 - Sumakay kami ng sangil upang pumuta sa isa pang tigilan ng panlahat; isa itong tigilan ng Norton. Nagbayad kami ng PhP 40.
6:37 - Narating na namin ang tigilan. Nalaman din naming nagpalit na ng pangalan ang Norton, at naging A-Liner. [nasa ibaba ang larawan ng tigilan]
[Kakaiba ang hugis ng simbahan ng Iglesia ni Cristo sa Baguio.]
9:24 - Sumakay na kami ng panlahat na A-Liner #AYJ199.
9:54 - Umusad na ang panlahat.
11:34 - Narating namin ang Ambuklao Dam km 291.
12:10 - Muling umusad ang panlahat.
13:05 - Bumaba na kami ng panlahat sa babaan ng Bdk. Pulag.
[Makikitang ako ang pinakabata sa amin.]
13:10 - Narating na namin ang tanggapan ng DENR.
[itaas kaliwa → kanan:1) Ako sa tabi ng isang pabatid ng DENR. 2) Tatay ko habang hinahanda ang aming mga gamit. 3) Halamanan ng DENR. 4) Ang aming mga kasamahan. Baba: Ang tanawin mula sa tanggapan ng DENR.]
15:19 - Sinimulan na naming akyatin ang Bdk. Babadak na kapit-bundok ng Bdk. Pulag.
17:31 - Narating namin ang isang maliit na nayon sa Bdk. Babadak na tinatawag na “Palanza”. Namahinga kami roon.
23:32 - Matapos ang ilang panahon ng paglalaka, amin nang narating ang kuta ng Bdk. Pulag. Namahinga’t natulog kami sa isang bahay doon. Mahirap kumuha ng pahudyat (signal).
[Sa kapaguran at pagkapuyat, natulog kami nang buong araw.]
Disyembre 28, 2007
1:09 - Nagsimula na kaming maglakad papunta sa tuktok ng Bdk. Pulag, ang pinakamataas na bundok sa Luson, habang pinapanganahan kami ng aming gabay, Niverra Lamsis,na binayaran namin ng PhP 500. [larawan sa baba]
2:17 - Narating namin ang unang kuta. [Makikita ang isang katutubong halaman.]
3:00 - Ikalawang kuta
6:00 - Narating na namin ang tuktok ng Bundok Pulag.
[Nauna kaming umakyat sa tuktok sa aming mga kasamahan dahil nauna rin kaming nagsimulang umakyat. Makikitang malamig sa tuktok. Inakala ko noong unang isang lawa ang nakikita sa aming likuran ngunit napagsabihan ako iyon pala’y mga ulap.]
8:48 - Kahit gaano ko pa naising magtagal, nilisan na namin ang tuktok ng bundok.
11:15 - Nakabalik na kami sa aming tuluyan.
18:46 - Sumakay na kami ng isang punung-punong dyipni pababa ng bundok.
19:25 - Tumuloy kami sa isang pabahay-naggagala sa Baguio. Nagbayad kami nang PhP 730.
Pagkamakatagalog (Tagalog)
August 17, 2008Itatalastas ko ito sa iba-ibang mga wika upang mas maraming mga tao ang makaintdi, maliwanagan at, higit sa lahat, maglayong puksain ang suliraning ito ng ating lipunan, lalo na ngayong mas nagiging lubha ang mga bunga nito sa ibang mga panaong pangkat: ang pagkalipol ng kanilang kasarinlan, kalinangan at wika.
______________________________________
Pambungad
Ang Pagkamakatagalog, kilala rin bilang Tagalismo, ay isang paniniwalang malamakalahing isinasabuhay, nababatid at di-nababatid, ng ilang mga Pilipino, Tagalog man o hindi.
Sa buong kasaysayan ng Pilipinas na itinuturo sa mga batang mag-aaral, itinuturong ipinaglaban ni Andrés Bonifacio ang kanyang bayang Pilipinas, at itinuturo ring ipinatalsik natin nang dalawang ulit ang ating mga kinaaayawang mga pinuno sa mga mapapayapang pamamaraan sa EDSA. Ano ang karaniwan sa tatlo? Lahat ito ay naganap sa Katagalugan, buhat ng, halos lahat, mga Tagalog. Dito na pumapasok ang “Maynilang Imperyal”.
Ang Maynilang Imperyal ay isang kalagayang nangyayari sa ating lipunan ngayon. Ito ang kaganapan kung saan lahat ay nangyayari ayon sa Katagalugan, para sa Katagalugan. Ginamit ito ng Pangulo ng Pilipinas sa ilan sa kanyang mga talumpati. Ito ay totoo.
Alam niyo bang hindi itinuturo ang mga katutubong wika ng Pilipinas, maging sa mga pook kung saan ito isinasalita? Maliban na roon ang Filipino, ang binalat-kayong uri ng Tagalog na naglalayon daw na di-kumiling o pumanig sa alin mang wikang Pilipino. Ang mga patakaran ngayon ng ating pamahalaan at ng Kagawaran sa Pagpapaaral ay halatang-halatang pumapanig pa sa banyagaing wikang Ingles at sa Tagalog.
Sa pag-iisip
Matanong ko nga sa iyo: ano ang pambansang wika ng Pilipinas? Aba, nakakatiyak na ang sasagutin mo ay Tagalog. Eh ‘di ba ang pambansang wika ay Filipino, o Pilipino nga ba ‘yon? Ano bang pinagkaiba? Tama, wala! Kahit ano pa pong sabihin ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay isa lamang muling pagpapangalan sa wikang Tagalog dahil sa totoo lang wala namang (napakakaunti) ng mga maingat na sumusunod sa mga patakaran sa wikang inyong inilalathala!
Noong panahon ni Marcos, panahon ng Surian sa Wikang Pambansa, ipinangalanang “Pilipino” ang wikang Tagalog; ito ay kasama sa kanyang mga patakaran sa “Bagong Lipunan”, “Isang Bayan, Isang Wika”. Sa ating panahon ngayon, sa panahon ng Saligang Batas ng 1986, itinatatag ang wikang “Filipino” bilang pambansang wika ng Pilipinas.
Ayon sa Saligang Batas, ang wikang Filipino ay nakasalig sa umiiral na wika, nangangahulugang kung ano ang pinakaginagamit na wika. Eh ano pa ba iyon? Syempre Tagalog! Errrrrrrr! Mali! Mali! Mali! Mali! Hindi po wikang Tagalog ang pinakasinasalitang wika! Ha? Hindi Tagalog! Oo! Hindi Tagalog! At ang pinakasinasalitang wika sa Pilipinas ay ….. Sinugbuanon po. Ang wikang Sinugbuanon, mas kilala bilang Sebwano, ang wikang may-pinakamaraming katutubong mananalita; nangyari lamang na dahil maparaaning itinuturo sa lahat ng mga paaralan sa Pilipinas ang wikang Tagalog na nangyari na lahat ng mga nakapag-aral ay maalam dito. Mahigit kalahati ng kalahatang mananalita ng Tagalog ay hindi katutubo sa Tagalog!
Bukod pa sa paniniil na iyon sa ibang mga panaong pangkat ng kasalukuyang pamamaraan sa pagpapaaral, nagdudulot pa ito ng isa pang bagay — katangahan! Kung tatanungin mo ang isang Pilipino kung ano ang isinasalita niya bukod sa Tagalog, sa halos lahat ng pagkakataon isasagot niya na marunong siyang manalita ng wikaing (diyalekto) blah blah blah. Sige, ano ang Sebwano, wika o diyalekto? Syempre sasabihin mo na ngayon wika, o kung hindi ka pa rin naliliwanagan sasagutin mo diyalekto; iyon ang isasagot ng halos lahat. Sige, pustahan pa tayo. Kung diyalekto ang Sebwano, at ang diyalekto ang ay isang kaibahan ng isang wika, ang Sebwano ay bahagi ng wikang? Syempre sasabihin mo Bisaya! Mali! Ang Bisaya ay hindi isang wika kundi ito ay isang pangkat ng napakaraming wikang Pilipino! Maging ang mga Bisaya mismo ay ganito rin ang isasagot, na ang kanilang wika ay Bisaya!
Pagtatapos
Itinuturo, bagaman di-patahas, ng kasalukuyan nating pamamaraan sa pagpapaaral na mayroon lamang isang wika sa Pilipinas — ang wikang Tagalog, kundi man Filipino. Itinuturo ng ating mga paaralan ngayong mayroon lamang isang kalinangan (kultura) — ang kalinangang Pilipino. Itinuturo ng ating pagkamakabayang iisa lamang ang ating lahi — ang lahing Pilipino. Mali! Mali! Mali! Mali lahat iyon! Bago pa man dumating at nanakop ang mga Kastila sa Pilipinas, ang iba-ibang mga panaong pangkat, ang mga Bisaya, Bikol, Tagalog, Iloko, Tausug, Mangyan at iba pa, ay malaya sa isa at isa. Bagaman masasabing maaaring nagkaroon ng mga pagkakalakalan sa pagitan ng mga taong iyon, sa lahat-lahat, sila ay may sari-sariling pamahalaan at kalinangan at wika! At ang pagsasarili-sariling iyon nga ang ginamit ng mga Kastila kaya madali nila tayong nasakop! At ngayon, sinasabi mong “kaya nga dapat tayong magkaisa bilang mga Pilipino, isang bansa”. Tama ka kaibigan! Pagkakaisa ang daan ngunit hindi nangangahulugang kung magkakaisa ang iba-ibang mga lupon ng mga tao sa Pilipinas, isa ang mangunguna at masusupil ang lahat! Hindi! Sa pagkakaisa, sabay-sabay tayong uunlad! At kaya ko nga itinatangkilik ang pagkamakalupunan (pederalismo).
Ibinubuhat ng ating kasalukuyang pamamaraan ang pagkasupil ng mga kalinangang Pilipino, at ang masama pa roon hindi lamang iyon ipinapalitan ng kalinangang Tagalog kundi pati na rin ng mga kanluraning kalinangan — pagpapakaamerika ng Pilipinas! Nawawala ang ating kasarinlan! Tayo mismo ang sumusupil nito! Kaya hinihiling kong ating imungkahing baguhin na ng ating pamahalaan ang mga patakaran nito ukol sa wika at pagpapakagitna (sentralisasyon), at manimula nang manangkilik ng mga wikang Pilipino, sa paggamit nito sa mga hukuman at, lalo na sa lahat, pagsasama ng mga wikang Pilipino bilang bahagi ng mga pamantayan sa mga paaralan. Ito lamang ang magiging paraan upang mapigil ang pagkasupil ng ating kalinangan.
Iyon nga lang ba ang lunas? Hindi! Mali ka nanaman! Magsimula ka sa sarili mo! Magsimula tayo sa mga sarili natin. Mabuhay ang ating mga wika!
Pagdagsa ng mga Pinilipinong-wikang awitin
August 2, 2008Mabuhay! Matagal na rin akong hindi nakakapagsulat sa sayt na ito; ang mga dahilan niyon ay ang aking di-magtugma-tugmang talatakdaan. Kahit na, narinig niyo na ba ang mga kantang Payong o Butiti. Sumisikat na ang mga iyan ngayon sa pasilahis (radio) ng Pilipinas. Ang mga awiting iyon ay mga salin ng mga sikat na awitin nina Rihana at Floridang Umbrella at Low. Bukod pa riyon marami na ring awiting Ingles ang isinalin sa Tagalog at Sinugbuanon. Sana mangahulugan ito ng mas malawakang pagtangkilik sa mga wikang Pilipino. Sa huli maaaring ipinapakita nito ang malamalay (subconscious) na pag-iisip ng mga taong nagnanasa ng mas maraming lahathalaing Pilipinong-wika.
Sa susunod na tala ko, aking ilalathala ang mga halawit (lyrics) nito.
Umbrella
Low
Pinikpikan — walang hanggang pagpapasakit
July 8, 2008Pambungad
Ang Pinikpikan, karaniwan ding tinatawag na “killing me softly” (marahang pagpatay sa akin) dahil sa walang hanggang pagpapasakit na inilalakip sa paghahanda ng lutuing ito, ay isang uri ng lutuin sa manok ng mga Ilokano, Igorot at iba pang mga pangkat etniko ng Hilagang Luson. Kagaya ng karamihan ng paghahanda sa mga lutuin sa manok, hindi ito makatao. Sa buong proseso ng paghahanda sa lutuing ito, nararamdaman ng manok ang lansakang sakit na ipinararama ng init ng apoy, panghahampas ng manghahanda, at iba pang hindi makataong uring ng pagpapasakit na karamihan sa inyo ay hindi pa nakikita, o lubos na naisip na mayroon pa palang gumagawa ng mga ganiyong bagay sa ating tinatawag na “sibilisadong lipunan” ngayon.
Paghahanda
Dito ituturo ko sa inyo kung ano ang mga ginagamit sa paghahanda ng pinikpikan. Kailangan niyo ng sumusunod.
- Isang manok
- Isang panghampas; mas matigas mas mabuti (Hulaan niyo nga kung saan ito gagamitin.)
- Isang apoy; mas maiinit mas maganda
- Isang taong walang awa, makasarili, tanga, sadista at sinasapian ng demonyo at lahat ng uri ng kasamaan; isang taong kagaya ng kasalukuyang diktadora ng Pilipinas
- Asin (maaaring wala) para sa ragdag na sakit
Sa tingin ko naman, nalalaman niyo na ang susunod na mangyayari. Silipin natin ito: [1 manok + 1 matigas na panghampas + 300 °C mahigit na apoy + 1 sadista = ?]. Kung “kamatayan” ang sagot niyo, kayo ay nagkakamali dahil hindi lamang kamatayan ang magaganap kundi bago pa iyon ay walang hanggang pagpapasakit, torture kung tatawagin sa Ingles, manok na bersyon ng Passion of the Christ, at, hindi o, higit pa riyon, maaaring higit pa sa pagpapasakit na rinama ng mga biglaang naglahong bayani ng lipunan; mararamdaman ng manok ang kawalang-hanggan (infinity) ng pagpapasakit.
Sumusunod ang pangkaraniwang paghahanda ng pinikpikan batay sa mga bidyo, sayt at pansariling pagsasalaysay ng mga taong kakilala ko.
Una, itali ang manok sa mga paa nito, at isabit ito nang patiwarik; ito ay upang hindi ito makapanlaban habang nagaganap ang mga susunod na karumaldumal na pagpapasakit sa manok. Ikalawa, hampasin ito nang mariing-mariin sa liig at ulo ngunit huwag napakariin upang hindi matuklap ang balat, at hindi mabali ang mga buto nito. Ikatlo, hampasin ito sa mga pakpak. Ikaapat, hampasin ito sa katawan. Ulit-ulitin ang makirot na makirot na panghahampas hanggang mamaga ang buong katawan nito, at magbuu-buo ang dugo (mangapasa) nito sa katawan, na siya namang bunga ng pagputok ng mga ugat ng dugo nito dahil sa malakas na panghahampas sa buong katawan; isipin mo na lamang kung gaano kasakit iyon. At tandaang sa buong proseso ng panghahampas na saksakan ng sakit at hindi makatao, sa halos lahat ng pagkakataon, gising at may-malay, at damdam na ramdam ng manok ang buong sakit habang ito ay unti-unting hinahampas nang napakasakit; hindi ito nawawalang-malay sa halos lahat ng pagkakataon kahit makailang ulit pa itong hinampas sa ulo ng sadistang manghahanda.
Matapos ng walang katapusang pagpapasakit mula sa panghahampas sa buong katawan ng manok, aalisin ang mga balahibo nito. Maaaring alisin ito nang matiyaga, mabagal at unti-unting isa-isang pang-aalis ng mga balahibo nito, o, upang, ayon sa ilan, dagdagan ang lasa ng pinikpikang manok, gagamitan ng apoy ang pag-aalis ng mga balahibo ng manok kung saan hindi lamang ang balahibo nito ang sinusunog kundi pati na rin ang balat nito; at dahil na rin sa pag-unlad ng teknolohiya, marami ngayon ang gumagamit na ng blowtorch, na siya namang mas mainit nang ilang ulit kaysa sa apoy ng uling. At muli, tandaang gising na gising, damdam na ramdam at alam na alam ng manok lahat ng nangyayaring pagpapasakit dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito ipinapatay. Isipin mo nga kung ganoo kasakit sunugin at hampasin nang buhay.
At ngayon, habang buhay pa ang manok, maaaring budburan ng asin ang sinunog, nananakit at humahapdi nitong balat, muli para raw sa ragdag na lasa. Sa huli, papatayin na ang manok upang hati-hatiin, at lutuin nang parang tinola.
Sayt kung saan mas kinikilatis ang kalupitan sa pagluluto ng pikpikan: http://members.tripod.com/~daoey/pikpik.html.
Kalupitan
Ang seksyong ito ay magiging isa lamang na pagwawakas sa talang ito. At nakikita, naririnig at nababasa niyo kung gaano kalupit ang proseso ng paghahanda ng pinikpikan. Lahat ng kalupitang ito ay para lamang sa mithiing masarap na pagkain! Napakasakim! Napakaanimal! Napakabarbariko! Ito ay isa sa mga pinakahindi makataong pagluluto ng manok! Hindi ko nga maiintindihang may mga tao pang nag-iisip na gumagawa tayo ng pabor para sa manok sa panghahampas sa kanila! Mula sa kanya mismo, “You are actually being kind to the chicken.“ (http://members.tripod.com/~daoey/pakuen.html). Bulag man siyang hindi niya makita ang katotohanan, nagbubulag-bulagan, sadista o tanga, ganoon pa rin iyon ipinapasailalim mo ang manok sa isang hindi makataong bagay. Hello, kahit ilang ulit mo pang hampasin ang manok mararamdaman pa rin niyon ang sakit, at malabong mamanhid ito! Kaya nga yung mga boksingero nananakit pa rin ang katawan kahit round 12 na eh! Oo, alam kong mamamatay din sila sa huli kahit ano pang paraan mo sila patayin ngunit ihambing niyo ito sa ating mga buhay; lahat naman tayo mamamatay ngunit mas pipiliin niyo bang mabuhay sa ilalim ng pagpapasakit at kalupitan?
Introduction to Tagalog
June 23, 2008Aligning with the purpose of this blog, that is to ensure the preservation of the Tagalog language in it’s purest state through the people speaking it, I am going to give this yet another informative post about the Tagalog language. I’ll clarify things further on future posts.
Verbs
For Anglophones (English-speaking peoples), I am going to be frank that those of you who do not really have a linguistics background or have never ever studied any foreign language will find Tagalog and other Philippine-languages very hard to learn. One of the most complex things in Tagalog are its verbs, the terror of Tagalog grammar. Why? This is because Tagalog verbs are very flexible, although it only has three tenses. Tagalog verbs can be conjugated to over 60 forms. However, speakers of other Central Philippine languages such as Cebuano, Hiligaynon and Waray will find Tagalog very easy to learn. This is because Tagalog also belongs to the same branch of languages, the Central Philippine languages, and thus share mostly the same grammar and syntax with other languages of that family.
Syntax
Like its verbs, Tagalog sentences have a very flexible syntax (word order). And again, although I would say quite less, Anglophones might find this quite difficult. English sentences follow the Subject-Verb-Object (SVO) syntax. I would give a simple example “John loves Jenny.” where “John” is the subject, “loves” is the verb, and “Jenny” is the object of the verb. In Tagalog sentences, it can be SVO, VOS and a lot more. Tagalophones (Tagalog-speaking people) distinguish subject and the object through markers within the sentence.
Pronunciation
Tagalog pronunciation is pretty simple and easy, and there are only a few things to pronounce unlike the diversity of the English pronunciation. In this part of the language, Italophones (Italian-speaking people) and Hispanophones (Spanish-speaking people) will find Tagalog pronunciation very easy and familiar.
Tagalog orthography
June 22, 2008In this post, I’ll be explaining to you all the Tagalog orthography and a little bit of history about it. And for those of you who don’t even know what I’m talking about, and/or confused just ask me by posting a comment at this post or at my site’s message board.
Introduction
Tagalog is language spoken in the Philippines under the Austronesian language family. I’ll give you more information about the Tagalog language on future posts.
Orthography is, in the most simplest of definitions, the way things are spelt. Almost all languages in the world has a standard orthography defined by tradition and/or language reforms imposed by its governing bodies.
English has its own orthography, and has two major variants: the British orthography and the American orthography. In the British orthography, things are spelt as colour, specialise, dramatisation, metre and anaemia while in the American orthography, things are spelt as color, specialize, dramatization, meter and anemia. There are further more differences between the two. In Tagalog, however, there are many types of orthography: Pre-colonial Baybayin, Spanish-influenced Baybayin, Spanish orthography and Tagalog orthography with only the Tagalog orthography in current use; all others are already obsoleted.
There are three kinds of orthography.
-
Phonemic — This kind of orthography is very consistent with how it is spoken, and spelling irregularities and exceptions are somewhat rare. In simple terms, speak as you write. Tagalog can be classified as phonemic.
-
Morphophonemic — This kind of orthography is still quite phonemic, however, spelling quite relies on its word origin.
-
Defective — The spelling of words are very inconsistent on how it is spoken, and there are hundred of exceptions to its spelling rules.
English and French can be considered as one of the most orthographically defective languages in the world. That is why “lead” and “read” have different pronunciations depending on the context, “written” and “Britain” sound the same, and “door” and “drool” are pronounced differently despite having the same dipthongs, the “oo”. French is, however, even more defective; almost a third or a half of the word will be left unpronouced.
Baybayin
See my previous post about this for more information. http://felipeaira.i.ph/blogs/felipeaira/2008/06/20/baybayin/.
Spanish orthography
In the past, due to Spanish colonisation, Tagalog was spelt under the Spanish orthography. The following is the alphabet used in Tagalog.
A B C Ch D E F G H I J L Ll M N Ñ O P Q R Rr S T U V X Y Z
As you may have noticed it lacked the ”k”, “ng” and ”w” letters, which are all extensively used on Tagalog, especially the “ng”. As a replacement, the Spaniards applied “c” and “q” for “k”, and “o” and “u” for “w” as they did on their language. However, since in Spanish, the /ŋ/ sound only appears scarcely and in “ng”, and still that was pronounced as /ŋg/ not /ŋ/, the Spaniards used “n~g” and, later, “ñg” to represent /ŋ/. That is why in the Spanish orthography /taŋa/ (stupid) was spelt as “tan~ga” or “tañga”, and /tiŋin/ was spelt as “tin~gin” or “tiñgin” while in the modern Tagalog orthography, it is spelt as “tingin”. I’ll explain the Spanish orthography and its application in Tagalog further on future posts.
Modern Tagalog othography
This orthographical system is the one used in Tagalog and almost all Philippine-languages today. As mentioned a previously, the modern Tagalog orthography is very phonemic. It uses the following alphabet. Its pronunciation is to be explained in future posts.
A B K D E G H I L M N Ng O P R S T U W Y
An “-” (en dash) is used the separate syllables and repeating syllables. Like in ilang-ilang and araw-araw. This is so that they will be pronounced as /i-lang-i-lang/ not /i-la-ngi-lang/, and /a-raw-a-raw/ not /a-ra-wa-raw/. “E” is never used in native Tagalog words, except for babae, and are only used on foreign-derived ones like presidente and eroplano. “O” is only used in the last syllable like in Tagalog and Tulong, and it becomes “u” whenever it is no longer in the last syllable like in Katagalugan and Tulungan. “D” becomes “r” when between two vowels like dugo → marugo, dagdag → mararagdagan, dumi → marumi; although this rule has many exceptions. And also “ng” becomes “n” when before “l”, “r”, “s”, and “t” while it becomes “m” before “b” and “p”; examples are pang + tao → pantao, taong + bayan → taumbayan. That rule is in order to achieve euphony (something that makes words easier to pronounce); although this rule mainly applies to Tagalog only and not to other Philippine languages which are also using the modern Tagalog orthography, like Cebuano.
Baybayin
June 20, 2008Today, almost all Philippine languages are written in the script which you yourself, I am sure, are using and reading now, everyday and for all of your life. That is, unless you are Chinese, Russian or Japanese, the Roman alphabet. However, almost all Philippine languages did not use this European alphabet before; before European colonisation and settlement, educated Filipinos used the Baybayin or at least a variant of it.
Baybayin, sometimes called Alibata, is a writing system, commonly reffered to as a script, used by early Filipinos since the 13th century through seven centuries of decline until its final obsoletion during the 20th; and that is why you can never see a modern document written in such script, or, at least, that is the mainstream situaton due to a number of people nowadays who are still advocating its use. Baybayin is commonly reffered to as an alphabet, however, that is false. Baybayin is an abugida. Both alphabets and abugidas are scripts, and their differences will be explain later in this post.


As you may have noticed, “e” and “i”, ”o” and “u”, and “d” and “r” are represented by the same characters. This is due to the fact that those are interchangeable phonemes; that is their pronunciation depends on their position on the word. This is true even until today in modern Tagalog orthography; that is why from Tagalog comes Katagalugan, and from dumi comes marumi. I explain this in future posts. As you may have also noticed, the last character in the image has a “+” below it. This inovation was introduced by the Spaniards when they first translated Doctrina Cristiana into Ilokano; previous language editions of Doctrina Cristiana, the first book to be ever published in the Philippines, like the one in Tagalog, do not use viramas, which is what the “+”’s are called. What this does is simply removing the vowel sound itself from the character so as baboy can be spelled as ba-bo-y in Baybayin not in ba-bo, the original one. This is because originally trailing consonant sounds were never indicated hence forcing Baybayin-readers to guess the trailing consonant sounds through context thus making it hard to be learned and used specially by non-natives like the Spaniards. In the simplest of terms, Spaniards added the virama so that it will be easier for them to use.
There are many variants of Baybayin as each major language has its own. You can notice on the following image that the Tagalog Baybayin has the same characters for “d” and “r” however other Baybayins like the Ilokano has the same characters for “l” and “r”. This also due to the interchangeability of the phonemes, and are to be discussed in future posts.
Currently, Baybayin is supported in Unicode however there is no existing font up to day that supports it. I know that you may have heard of Tagalog Doctrina, Bikol Mintz and others, however, those do not actually use the Unicode range for Baybayin but merely change the look of the common alphabet letters just as Wingdings does. To get the fonts, you may go here http://www.mts.net/~pmorrow/fonts.htm, and for more information go here at http://www.mts.net/~pmorrow/index.htm#baybayin. The above table is from that site, and the rest are from http://commons.wikimedia.org/.
Isang talaan ng mga puristang salitang Tagalog
June 17, 2008Ang purismo ang ideyolohiya sa paggamit ng tanging mga katutubong salita sa isang wika sa layuning panatiliin itong dalisay mula sa mga banyagaing salita. Ito ang ilan sa mga puristang salitang karamihan ay ginawa noong 1960’s ng mga mag-aaral-wika; ito ang panahon kung kailan naging pinakamainit ang usaping purismo at pagpili ng pambansa wika bukod pa sa Tagalog.
_____________________________________
Bararila
- balarila — grammar
- pararila — phrase
- pangungusap — sentence
- katinig — consonant
- patinig — vowel
- palabaybayan — orthography
- pagbaybay — spelling
- palatinigan — phonetics
- sugnay — clause
- pandiwa — verb
- pangngalan — noun
- pang-abay — adverb
- pang-uri — adjective
- pang-ukol — preposition
- pang-ugnay — linker
- palagyo — nominative
- paukol — ergative
- paari — genetive/possesive
- pabalintiyak — passive
- patahas/tahas/tahasan — direct
- padamdam — exclamatory
- patanong — interrogative
- pautos — imperative
- pasalaysay — narrative
- lapi — affix
- unlapi — prefix
- gitlapi — infix
- hulapi — suffix
Sipnayan
- sipnayan — mathematics
- palautatan — statistics
- panakda — numerator
- pamahagi — denominator
- tumbasan — equation
- sanyo — variable
- awanggan — infinity
- isakay — monomial
- duhakay — binomial
- talukay — trinomial
- damikay — polynomial
- duyog — ellipse
- tikop — circumference
- gilis — hypotenuse
- tadlong — perpendicular
- pariugat — square root
- tatsulok — triangle
- parisukat — square
- parihaba — rectangle
- palatangkasan — set algebra
- bilnuran — arithmetic
- sukgisan — geometry
- lapya — plane
- siksin — solid
- panandaan — algebra
- tatsihan — trigonometry
- timbulog — spherical
- tayahan — calculus
Sigwasan
- tingirin — differential
- laumin — integral
- sigwasan — mechanics
- danumsigwasan — hydraulics
- buhagsigwasan — pneumatics
- tigilan — statics
- isigan — dynamics
- initsigan — thermodynamics
- balnian — magnetism
Liknayan
- liknayan — physics
- hambinging bigat — specific weight
- tigal — intertia
- dantay — impulse
- dagsa — momentum
- habyog — torque
- larang — equilibrium
- gitisig — centripetal force
- basisig — centrifugal force
- dagsin — gravity
Kapnayan at haynayan
- kapnayan — chemistry
- lahatan — general chemistry
- urian — qualitative chemistry
- sukatan — quantitative chemistry
- haying — organic chemistry
- dihaying — inorganic chemistry
- haykapnayan — biochemistry
- dagikapnayan — electrochemistry
- haynayan — biology
Dagisikan at dagitab
- dagisikan — electronics
- dagitab — electricity
- saloy — current
- dagisik — electron
- tablay — electric charge
- lulos — bypass
- sunurang kabit — series connexion
- agapayang kabit — parallel connexion
- salikop — circuit
- tuwirang saloy — direct current
- saliding saloy — alternating current
- sakwil — resistance
- panakwil — resistor
- kasagwilan — resistivity
- lulan — capacitance
- panlulan — capacitor
- dawit — inductance
- panawit — inductor
- dagibalniing liboy — electromagnetic waves
- saluyan — conductor
- panghadlang — insulator
- kabtol — switch
- sayad — ground
- laktod — short circuit
- awanging tubo — vacuum tube
- tugoy — oscillation
- tugoysipat — oscilloscope
- panghibayo — amplifier
- dagindas — electrode
- duhandas — diode
- talundas — triode
- alunig — resonance
- dalas — frequency
- libuyhaba — wavelength
- liboy — wave
- malasaluyan — semiconductor
- saligwil — transistor
Iba pa
- miktinig — microphone
- hatinig — telephone
- salumpuwit — chair
- salipapaw — aeroplane
- katiktik — detective
- kabatas — law enforcer
- paliparan — airport
A history of the Tagalog language
June 14, 2008For a change, I would be posting at this blog on the English language to reach a wider audience. And if you are Filipino, you should be concerned that our culture, our languages are slowly being erased by the globalisation, the English language and the Filipino language itself, an artificial language, that is technically, made by the 1986 constitution. Being a controversial topic, and a very debatable one in the Philippine linguistic subculture, I would not be surprised if I’ll receive negative comments and opposition.
Commonwealth era
During the Commonwealth era, during the Philippine President Manuel L. Quezon, widely known as the “Father of the National Language” (Ama ng Wikang Pambansa), a government organisation known as the Surian ng Wikang Pambansa (National Language Institute) was created. This organisation, seeking to declare a national language for the newly established government, selected the Tagalog language as the national language of all the Philippines. This is due to the fact that the Tagalog language is the language of the Filipino revolutionaries (most revolutions occured in the Katagalugan, literaly “Tagalog land”, due to the fact that Manila was part of the Katagalugan, and is the Spanish capital), and the Tagalog language having the richest literature, and having the least variations through-out its dialects. Subsequently, Tagalog was renamed to Pilipino by Secretary of Education Jose Romero to give it a rather nationalistic feel, and avoid to give favour to the Tagalog ethnic group.
Opposition
The choice itself was not really much well received by other ethnoliguistic groups, especially the Cebuanos; this is due to the fact that Cebuano was historically the most spoken language in the Philippines, with Tagalog a minority compared to Cebuano, and remains until today as the Philippine language with the most number of native speakers. Although Tagalog today has the most number of speakers, mostly speakers treating Tagalog as a second language; this is mostly due to the fact that Cebuano is not even teached in public schools even by those in Cebu, where the language originated, and Filipino, a Tagalog-based artificial language, being taught at all public schools. This opposition grew more when the language was renamed. Ironically, instead of doing its goals of avoiding systemic bias to the Tagalogs, it rather worsened the situation since major ethnic groups, especially the Cebuanos, viewed it as an early form of Imperial Manila and/or Tagalog Imperialism, that is extreme favour towards the Tagalogs.
Purist era
During the 1960’s, a Filipino group of linguists sought a solution to solve the problem of extensive word-borrowing by the Tagalog language from foreign languages, especially from Spanish and English. The solution: purism. For those of you who do not have a clue what that is, purism is a linguistic ideology in which as much as possible only words of native origins are used. Tagalog is not really a language with a rich native vocabulary due to almost half a millenium of colonialisation, saturation from the colonisers’ languages, and gloablisation. That is why the purists of the 1960’s were forced to create new words from existing native words by appending affixes, which are mostly self-made, on them, and/or combining them. However in some case where a native word cannot be truly found, creative measures were done; that is creating radically new words. Some examples of the neologisms, which are to replace a range of words from the most used to the most complex, coined in this decade were kapnayan (chemistry), sipnayan (mathematics), initsigan (thermodynamics), hattinig (telephone), salipapaw (aeroplane) and most notably samlumpuwit (chair), literaly the “ass-catcher”. Most of these words are dead now, however a few are still in current use today; these are mostly linguistic terms like patinig (vowel), katinig (consonant), sugnay (clause) and pangngalan (noun).
Filipino: a new language to kill the Language
Since the newly named Pilipino language was not really popular, the language issue was again revived during the drafting of the new constitution in 1971. This time, in a goal not to have Tagalog as a national language but to have a language that will represent the whole Philippine archipelago to the whole world, the Filipino language was proposed. Like the purists of the 1960’s, advocators of Filipino also created rather a lot of neologisms, which are still in use today. Practically, those neologisms are just English words written in Tagalog orthography. Some examples are titser (teacher), kendi (candy), bolpen (ballpen), nowtbuk (notebook) and asaynment (assignment). However, unlike Pilipino, the Cebuanos were much pleased with this. Good as it may sound, technically, Filipino is still Tagalog with only a huge pinch of foreign-derived vocabulary since as said in the constitution Filipino is based on the predominant language.
Conclusion
That is why personally, I view Filipino only as a sad excuse for destroying the purity of the Tagalog language and its literature by replacing already existing native terms with Tagalicised loan words for I myself am a purist. This is further worsened by the fact that most Filipinos nowadays are multilinguals, at least even a Grade 1 student already nows how to speak English! I am not saying that multilingualism is bad for I myself am multilingual but due to the fact that colonial mentality is widely saturated in the minds of most Filipinos, Filipinos seem to prefer English-derived terms more and more just as Filipinos think that white skin is better! That’s why in almost any everyday Filipino sentence you can hear, you will hear an English word hence Taglish and Englog. And as if this situation cannot get any worse, it just did last year 2006 when the Philippine Department of Education mandated that all subjects, except history and Filipino, in schools in a predominantly Tagalog-Cebuano speaking country will be taught in English! For why should our own language not be taught in schools, and be replaced in preference of a foreign language? What? For modernisation and globalisation of a country in an Anglophone world? If yes, it is like you are saying that early on we should learn how to be slaves of corporate giants! That’s suicide! This is like doing your own death sentence! Filipinos are erasing their own languages and their own cultures in preference of a foreign one! If you’re a Filipino, would you rather be a carbon copy of a very progressive nation, or be progressive yourself?
“I prefer a country run like hell by Filipinos to a country run like heaven by Americans.” — Manuel L. Quezon
Wikimedia Pilipinas
Panimula
Bilang aking isa sa mga pinakaunang liham dito sa blog na ito, aking isusulat itong nagpapatungkol sa Wikimedia Pilipinas. Ito ay dahil isa akong matagal nang Wikipedista, at isang tagapangasiwa ng Tagalog na Wikipedia at Wiktionary. At ito pa nga ang ikinakagulat ko dahil mayroon pa ring ilang mga taong kahit kailan man ay hindi pa naririnig ang Wikipedia. At kung isa ka na riyon, ang Wikipedia ay isang malayang esiklopedyang pang-Internet na maaaring baguhin nino man. Para itong kagaya ng iyong mga Encarta at Encyclopædia Britanica na saksakan ng mahal, ngunit hindi kagaya niyon ito ay libre at maaaring mo pang baguhin, at sa karamihan ng pagkakataon, mas marami ka pang matutunan ditong totoo kaysa sa mga nasabing ensiklopedya.
Wikimedia Pilipinas
Matapos ang ilang taon, napagpasyahan ng mga Wikipedistang (mga taong tumutulong sa Wikipedya) gumawa ng isang sangay ng Wkimedia rito sa Pilipinas. Ito ay noon pang 2006. Nakakapagtaka nga at ngayon lamang bumilis ang proseso nang nalaman ng marami na malapit nang mabuo ang Wikimedia Indonesia; ngayon itinuturing na itong isang pakikipagkompetensya: ang kompetisyon kung ano ang magiging unang sangay ng Wikimedia sa Timog-Silangang Asya. Sa pagkakaalam ko, itinakda sa bandang Agosto ang ingkorporasyon bagaman maaari pa itong magbago.
Mas marami pang impormasyon ang makikita sa http://en.wikipedia.org/wiki/Wikipedia_talk:Tambayan_Philippines.








