Home » Post Item » Special Force
"Thou shalt love thy language as thyself." — Felipe Aira.

Special Force

November 8, 2008

Special Force (SF) talagang nakakawili ang larong iyan. At iyan din ang dahilan kung kaya ‘di ako nakapagsulat ng mga talastas noong mga huling linggo.

Noong una palang akong naglaro (naglalaro rin ako ng Counterstrike noong dati pa) ng SF nakaabot ako ng gawa ng mga anim na panagutan (account) hanggang nakatigil ako ngayon sa panagutan ko. Noong una ang binili kong baril ay ang AK-74 na napaka lakas ang pagsipang (recoil) wala ako halos matamaan kaya naman wala akong mapatay. Ngayon (tatlong araw ko nang ginagamit ang aking panagutan) isa na akong Seargent First Class na gumagamit ng PSG. (Ambilis ko no!)

Heto ang ilan sa mga bagay na natutunan ko sa paglalaro ng SF.

  1. Huwag gumamit ng landok (trackpoint). Mamamatay ka kaagad.

  2. Huwag sumugod nang sumugod; matutong tumakbo’t tumalon. Hindi ka si Terminator para makapatay ng tatlo hanggang apat na tao nang mag-isa.

  3. Huwag kailan man bumili ng FR-F2. Ito ang pinakapangit at pinakawalang-katuturang baril sa SF bukod pa sa kamahalan nito, nagbubuhat (reload) sa bawat putok.

Posted by felipeaira at 19:17:00 | permalink

Add a comment