Home » Archives » August 2008
"Thou shalt love thy language as thyself." — Felipe Aira.

Olimpika at Tibet

August 27, 2008

Ngayong tapos na ang Olimpiko, at talagang naging napakaganda ng pagsasara nito — makikitang totoong pinaghandaan ito ng Tsina — nais ko lamang pong ipaalala sa inyong lahat kung anu-ano ang mga nangyayari sa Tibet. (Sa kasamaang palad, napakaraming mga Tagalog ang bulag sa usaping ito.)

Ang Tibet ay isang napakalawak na pook — higit na malawak pa sa kinasasakupan ng Pilipinas — sa bandang gitna ng Asyang kasalukuyang nasasakop ng Tsinang Makapamayanan (Komunista). Ang kasamaan ng kasalukuyang kalagayan doon ng mga karapatang pantao ay napakalubha; masasabing hindi lubhang binibigyang-halaga ng Tsina ang mga karapatang pantao ng kanilang mga mamamayan. At ngayon marami nang umaalma riyan. Totoo po iyon. At isa itong bagay na karaniwan sa mga bansang Makapamayanan, maging sa wala na ngayong Pagkakaisang Sobyet (Soviet Union).

Kung ihahambing ang Pilipinas sa Tsina, bagaman totoong lubha silang higit na maunlad, higit pa ngang malaya ang Pilipinas. Sa Tsina,  hindi basta-bastang maaaring ipabatid ang damdamin; marami nga silang ihinaharang na mga pook sa Internet. At malamang kung taga-tsina ako, at ibinabanggit ko ang mga ganitong bagay, napakabait na ng tadhana sa akin kung ipapasara lang nila ang pook na ito dahil hindi lang ganoon ang maaari nilang gawin maaari pa nila akong iparakip.

Kilala rin ang Tsina sa malawakan nitong paggamit ng mga di-makataong pagpapasakit; at ang kalagayang ito ay higit pang malubha sa Tibet; maging ang mga mapayapa at marasaling mapagpanlaw (monk) ay hindi nila pinapalagpas. Sa ibaba ay isang pampakita (video) tungkol sa kalagayan ng mga karapatang pantao sa Tibet.

 

At dahil nga roon, marami ring nagmungkahing isawalambahala ang Olimpikang naganap. Sa ibaba ay ang mga katatwang pampakita tungkol sa bagay na iyon.

 

Palayain ang Tibet!

Posted by felipeaira at 20:35:00 | permalink | comments[6]

Tagalog orthography: exceptions 3

This is pretty much a short post which discusses the Tagalog totoo (true) and oo (yes), and their derivatives. See also http://felipeaira.i.ph/blogs/felipeaira/2008/06/22/tagalog-orthography/, http://felipeaira.i.ph/blogs/felipeaira/2008/08/02/tagalog-orthography-exceptions/ and http://felipeaira.i.ph/blogs/felipeaira/2008/08/11/tagalog-orthography-exceptions-2/.

Totoo and oo

The Tagalog totoo [tʊˈtʊʔo], meaning “true”, is an exception to the rule. The “o” at the first syllable never becomes “u” on all of its derivatives, such as katoto (friend; lit.: truth-mate), katotohanan (truth) et cetera.

Oo [ˈoʔo](yes) is also an exception. Opo, a derivative, also is.

Posted by felipeaira at 18:06:00 | permalink | comments[26]

Pagkamakatagalog (Tagalog)

August 17, 2008

Itatalastas ko ito sa iba-ibang mga wika upang mas maraming mga tao ang makaintdi, maliwanagan at, higit sa lahat, maglayong puksain ang suliraning ito ng ating lipunan, lalo na ngayong mas nagiging lubha ang mga bunga nito sa ibang mga panaong pangkat: ang pagkalipol ng kanilang kasarinlan, kalinangan at wika.

______________________________________

Pambungad

Ang Pagkamakatagalog, kilala rin bilang Tagalismo, ay isang paniniwalang malamakalahing isinasabuhay, nababatid at di-nababatid, ng ilang mga Pilipino, Tagalog man o hindi.

Sa buong kasaysayan ng Pilipinas na itinuturo sa mga batang mag-aaral, itinuturong ipinaglaban ni Andrés Bonifacio ang kanyang bayang Pilipinas, at itinuturo ring ipinatalsik natin nang dalawang ulit ang ating mga kinaaayawang mga pinuno sa mga mapapayapang pamamaraan sa EDSA. Ano ang karaniwan sa tatlo? Lahat ito ay naganap sa Katagalugan, buhat ng, halos lahat, mga Tagalog. Dito na pumapasok ang “Maynilang Imperyal”.

Ang Maynilang Imperyal ay isang kalagayang nangyayari sa ating lipunan ngayon. Ito ang kaganapan kung saan lahat ay nangyayari ayon sa Katagalugan, para sa Katagalugan. Ginamit ito ng Pangulo ng Pilipinas sa ilan sa kanyang mga talumpati. Ito ay totoo.

Alam niyo bang hindi itinuturo ang mga katutubong wika ng Pilipinas, maging sa mga pook kung saan ito isinasalita? Maliban na roon ang Filipino, ang binalat-kayong uri ng Tagalog na naglalayon daw na di-kumiling o pumanig sa alin mang wikang Pilipino. Ang mga patakaran ngayon ng ating pamahalaan at ng Kagawaran sa Pagpapaaral ay halatang-halatang pumapanig pa sa banyagaing wikang Ingles at sa Tagalog.

Sa pag-iisip

Matanong ko nga sa iyo: ano ang pambansang wika ng Pilipinas? Aba, nakakatiyak na ang sasagutin mo ay Tagalog. Eh ‘di ba ang pambansang wika ay Filipino, o Pilipino nga ba ‘yon? Ano bang pinagkaiba? Tama, wala! Kahit ano pa pong sabihin ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay isa lamang muling pagpapangalan sa wikang Tagalog dahil sa totoo lang wala namang (napakakaunti) ng mga maingat na sumusunod sa mga patakaran sa wikang inyong inilalathala!

Noong panahon ni Marcos, panahon ng Surian sa Wikang Pambansa, ipinangalanang “Pilipino” ang wikang Tagalog; ito ay kasama sa kanyang mga patakaran sa “Bagong Lipunan”, “Isang Bayan, Isang Wika”. Sa ating panahon ngayon, sa panahon ng Saligang Batas ng 1986, itinatatag ang wikang “Filipino” bilang pambansang wika ng Pilipinas.

Ayon sa Saligang Batas, ang wikang Filipino ay nakasalig sa umiiral na wika, nangangahulugang kung ano ang pinakaginagamit na wika. Eh ano pa ba iyon? Syempre Tagalog! Errrrrrrr! Mali! Mali! Mali! Mali! Hindi po wikang Tagalog ang pinakasinasalitang wika! Ha? Hindi Tagalog! Oo! Hindi Tagalog! At ang pinakasinasalitang wika sa Pilipinas ay ….. Sinugbuanon po. Ang wikang Sinugbuanon, mas kilala bilang Sebwano, ang wikang may-pinakamaraming katutubong mananalita; nangyari lamang na dahil maparaaning itinuturo sa lahat ng mga paaralan sa Pilipinas ang wikang Tagalog na nangyari na lahat ng mga nakapag-aral ay maalam dito. Mahigit kalahati ng kalahatang mananalita ng Tagalog ay hindi katutubo sa Tagalog!

Bukod pa sa paniniil na iyon sa ibang mga panaong pangkat ng kasalukuyang pamamaraan sa pagpapaaral, nagdudulot pa ito ng isa pang bagay — katangahan! Kung tatanungin mo ang isang Pilipino kung ano ang isinasalita niya bukod sa Tagalog, sa halos lahat ng pagkakataon isasagot niya na marunong siyang manalita ng wikaing (diyalekto) blah blah blah. Sige, ano ang Sebwano, wika o diyalekto? Syempre sasabihin mo na ngayon wika, o kung hindi ka pa rin naliliwanagan sasagutin mo diyalekto; iyon ang isasagot ng halos lahat. Sige, pustahan pa tayo. Kung diyalekto ang Sebwano, at ang diyalekto ang ay isang kaibahan ng isang wika, ang Sebwano ay bahagi ng wikang? Syempre sasabihin mo Bisaya! Mali! Ang Bisaya ay hindi isang wika kundi ito ay isang pangkat ng napakaraming wikang Pilipino! Maging ang mga Bisaya mismo ay ganito rin ang isasagot, na ang kanilang wika ay Bisaya!

Pagtatapos

Itinuturo, bagaman di-patahas, ng kasalukuyan nating pamamaraan sa pagpapaaral na mayroon lamang isang wika sa Pilipinas — ang wikang Tagalog, kundi man Filipino. Itinuturo ng ating mga paaralan ngayong mayroon lamang isang kalinangan (kultura) — ang kalinangang Pilipino. Itinuturo ng ating pagkamakabayang iisa lamang ang ating lahi — ang lahing Pilipino. Mali! Mali! Mali! Mali lahat iyon! Bago pa man dumating at nanakop ang mga Kastila sa Pilipinas, ang iba-ibang mga panaong pangkat, ang mga Bisaya, Bikol, Tagalog, Iloko, Tausug, Mangyan at iba pa, ay malaya sa isa at isa. Bagaman masasabing maaaring nagkaroon ng mga pagkakalakalan sa pagitan ng mga taong iyon, sa lahat-lahat, sila ay may sari-sariling pamahalaan at kalinangan at wika! At ang pagsasarili-sariling iyon nga ang ginamit ng mga Kastila kaya madali nila tayong nasakop! At ngayon, sinasabi mong “kaya nga dapat tayong magkaisa bilang mga Pilipino, isang bansa”. Tama ka kaibigan! Pagkakaisa ang daan ngunit hindi nangangahulugang kung magkakaisa ang iba-ibang mga lupon ng mga tao sa Pilipinas, isa ang mangunguna at masusupil ang lahat! Hindi! Sa pagkakaisa, sabay-sabay tayong uunlad! At kaya ko nga itinatangkilik ang pagkamakalupunan (pederalismo).

Ibinubuhat ng ating kasalukuyang pamamaraan ang pagkasupil ng mga kalinangang Pilipino, at ang masama pa roon hindi lamang iyon ipinapalitan ng kalinangang Tagalog kundi pati na rin ng mga kanluraning kalinangan — pagpapakaamerika ng Pilipinas! Nawawala ang ating kasarinlan! Tayo mismo ang sumusupil nito! Kaya hinihiling kong ating imungkahing baguhin na ng ating pamahalaan ang mga patakaran nito ukol sa wika at pagpapakagitna (sentralisasyon), at manimula nang manangkilik ng mga wikang Pilipino, sa paggamit nito sa mga hukuman at, lalo na sa lahat, pagsasama ng mga wikang Pilipino bilang bahagi ng mga pamantayan sa mga paaralan. Ito lamang ang magiging paraan upang mapigil ang pagkasupil ng ating kalinangan.

Iyon nga lang ba ang lunas? Hindi! Mali ka nanaman! Magsimula ka sa sarili mo! Magsimula tayo sa mga sarili natin. Mabuhay ang ating mga wika!

Posted by felipeaira at 19:19:00 | permalink | comments[10]

Tagalog orthography: exceptions 2

August 11, 2008

Here I am going to discuss more words that are exceptions to the rules of the Tagalog orthography. See http://felipeaira.i.ph/blogs/felipeaira/2008/06/22/tagalog-orthography/.

Buo

Here is an exception to an exception, the Tagalog “buo” (whole). It is an exception to the rule in which “oo” vowel clusters never transform to “uo” or “uu”. However, traditionally, buo was spelt as boo. It was just that it got corrupted in time. It is pronounced as /ˈbʉ̞oʔ/. See this section (http://www.gutenberg.org/catalog/world/readfile?fk_files=87036&pageno=5) of “Alamat ng Ilang-ilang” by José N. Sevilla. And also notice how the story is written under the Spanish orthography.

Butete & balete

You might have also noticed that these words contradict the rule in which “e” is not used in native terms. Why are they spelt this way then? They are derived from Spanish. Err, no! Butete [bʉ̞ˈtiteʔ] and balete [baˈliteʔ] are native terms! They are, along with babae (woman), the few remaining Spanish-orthography spelt terms in popular use; though butiti and baliti exist, they are very rare, although those are the correct spelling. So, I just advise you to use the correct spelling.

Finalisation

Finally, you might occasionally read, panget (ugly), kanen (rice), tite (penis) and many other reproductive organs, which don’t agree with the rules I’ve shown you. Why is this then? They are mispelt! Simple! Tagalogs themselves, especially in informal and conversational writing, make those mistakes, and even sometimes, intentionally. Just compare it to how average Englishmen make mistakes on the spellings of their own language.

Posted by felipeaira at 18:35:00 | permalink | comments[17]

Tagalog orthography: exceptions

August 2, 2008

Here are the exceptions to the rules presented in http://felipeaira.i.ph/blogs/felipeaira/2008/06/22/tagalog-orthography/.

oo

The “oo” vowel cluster is common in Tagalog words. This is an exception to the rule where “o” may only exist at the last syllable. This is only applicable to Tagalog since other Philippine languages using the Tagalog orthography don’t follow this just like the Cebuano tibuok (all). The cluster is pronounced almost of the the time as /ʊˈʔo/, and if within the word, like kaginoohan (nobility) it is pronounced as /ʊˈʔʊ/.

babae

The Tagalog babae (girl) is never spelled as “babai“. Why then? It’s one of the very few words in Tagalog that still follows the Spanish orthography, and even in the old Spanish orthography it could have never been spelt as babai since that would mean that it would be pronounced as /ba’baɪ/ which is not the correct pronunciation.

Spanish-derived terms

When Spanish-derived terms are Tagalisized, most of the times, the “e” does not become “i” neither the “o” becomes “u” only the letter such as z → s, v → b, c → k/s, q → k, ch → ts and many others. That is why in Tagalog the word for “aeroplane” is eroplano [ɛˈɾoplano] not iruplano. However, common everyday-use Spanish-derived terms use fully the Tagalog orthography, like peso → piso and cebollas sibuyas. U’s that were originally “o” in the Spanish orthography are pronounced as /ʊ/, like kumusta [kʊˈmʊsta] from Spanish como está.

Posted by felipeaira at 20:30:00 | permalink | comments[40]

Halawit ng Umbrella at Payong

Ito ang halawit (lyrics) ng Umbrella at Payong. Nauuna ang Umbrella pagkatapos, Payong. the video can be watched on my previous post (http://felipeaira.i.ph/blogs/felipeaira/2008/08/02/pagdagdagsa-ng-mga-pinilipinong-wikang-awitin/).

You had my heart, and we’ll never be world apart

Pangarap ko, sana tayo’y ‘di magkalayo
Maybe in magazines, but you’ll still be my star

Ang tangi kong hiling ay ang pag-ibig mo
Baby cause in the dark, you can’t see shiny cars

Dahil sa’ting mundo, ikaw ay matutukso
And that’s when you need me there

Ningning at karangyaan
With you I’ll always share

Ang nais makamtan
Because

‘di ba
[Chorus]

[Paulit]
When the sun shines, we’ll shine together

Kahit umulan man o umaraw
Told you I’ll be here forever

Payong ko’y iyong maaasahan
Said I’ll always be your friend

‘di ka na mababasa ng ulan
Took an oath imma stick it out ’till the end

‘di ka na mababasa ng ulan
Now that it’s raining more than ever

Kahit ang bagyo ay kakayanin
Know that we still have each other

‘wag kang lalayo sa akin
You can stand under my umbrella

‘di ka na mababasa ng ulan
You can stand under my umbrella

‘di ka na mababasa ng ulan
(Ella ella eh eh eh)

‘di na, ‘di na, hindi, hindi, hindi
Under my umbrella

mababasa ng ulan
(Ella ella eh eh eh)

‘di na, ‘di na, hindi, hindi, hindi
Under my umbrella

mababasa ng ulan
(Ella ella eh eh eh)

‘di na, ‘di na, hindi, hindi, hindi
Under my umbrella

mababasa ng ulan
(Ella ella eh eh eh eh eh eh)

‘di na, ‘di na, hindi, hindi, hindi
These fancy things, will never come in between

Ating bituin kailan ba mararating
You’re part of my entity, here for infinity

Tayo’y magniningning pagkatapos ng dilim
When the war has took it’s part

Umiikot ang mundo
When the world has dealt it’s cards

para sa’kin at sa’yo
If the hand is hard, together we’ll mend your heart

Liliwanag ang lahat, pag-ibig ay sapat
Because

‘di ba
[Chorus]

[Paulit]
When the sun shines, we’ll shine together

Kahit umulan man o umaraw
Told you I’ll be here forever

Payong ko’y iyong maaasahan
Said I’ll always be your friend

‘di ka na mababasa ng ulan
Took an oath imma stick it out ’till the end

‘di ka na mababasa ng ulan
Now that it’s raining more than ever

Kahit ang bagyo ay kakayanin
Know that we still have each other

‘wag kang lalayo sa akin
You can stand under my umbrella

‘di ka na mababasa ng ulan
You can stand under my umbrella

‘di ka na mababasa ng ulan
(Ella ella eh eh eh)

‘di na, ‘di na, hindi, hindi, hindi
Under my umbrella

mababasa ng ulan
(Ella ella eh eh eh)

‘di na, ‘di na, hindi, hindi, hindi
Under my umbrella

mababasa ng ulan
(Ella ella eh eh eh)

‘di na, ‘di na, hindi, hindi, hindi
Under my umbrella

mababasa ng ulan
(Ella ella eh eh eh eh eh eh)

‘di na, ‘di na, hindi, hindi, hindi
[Bridge]

[Tulay]
You can run into my arms

Sukob na sa payong ko
It’s okay don’t be alarmed

Yakap ko ang init mo
(come into me)

(tanggulan)
(there’s no distance in between our love)

(tanggulan)
So go on and let the rain pour

Kahit bumuhos ang ulan
I’ll be all you need and more

Payong ko’y nakalaan
Because

‘di ba
[Chorus]

[Paulit]
When the sun shines, we’ll shine together

Kahit umulan man o umaraw
Told you I’ll be here forever

Payong ko’y iyong maaasahan
Said I’ll always be your friend

‘di ka na mababasa ng ulan
Took an oath imma stick it out ’till the end

‘di ka na mababasa ng ulan
Now that it’s raining more than ever

Kahit ang bagyo ay kakayanin
Know that we still have each other

‘wag kang lalayo sa akin
You can stand under my umbrella

‘di ka na mababasa ng ulan
You can stand under my umbrella

‘di ka na mababasa ng ulan
(Ella ella eh eh eh)

‘di na, ‘di na, hindi, hindi, hindi
Under my umbrella

mababasa ng ulan
(Ella ella eh eh eh)

‘di na, ‘di na, hindi, hindi, hindi
Under my umbrella

mababasa ng ulan
(Ella ella eh eh eh)

‘di na, ‘di na, hindi, hindi, hindi
Under my umbrella

mababasa ng ulan
(Ella ella eh eh eh eh eh eh)

‘di na, ‘di na, hindi, hindi, hindi
It’s raining (raining)

Umuulan
Ooo baby it’s raining

Oh umuulan
Baby come into me

Umuulan
Come into me

Umuulan
It’s raining (raining)

Umuulan
Ooo baby it’s raining

Oh umuulan
You can always come into me

Umuulan
Come into me…

Umuulan…

Posted by felipeaira at 19:25:00 | permalink | comments[7]

Pagdagsa ng mga Pinilipinong-wikang awitin

Mabuhay! Matagal na rin akong hindi nakakapagsulat sa sayt na ito; ang mga dahilan niyon ay ang aking di-magtugma-tugmang talatakdaan. Kahit na, narinig niyo na ba ang mga kantang Payong o Butiti. Sumisikat na ang mga iyan ngayon sa pasilahis (radio) ng Pilipinas. Ang mga awiting iyon ay mga salin ng mga sikat na awitin nina Rihana at Floridang Umbrella at Low. Bukod pa riyon marami na ring awiting Ingles ang isinalin sa Tagalog at Sinugbuanon. Sana mangahulugan ito ng mas malawakang pagtangkilik sa mga wikang Pilipino. Sa huli maaaring ipinapakita nito ang malamalay (subconscious) na pag-iisip ng mga taong nagnanasa ng mas maraming lahathalaing Pilipinong-wika.

Sa susunod na tala ko, aking ilalathala ang mga halawit (lyrics) nito.

Umbrella

 

Low

 

 

Posted by felipeaira at 18:25:00 | permalink | comments[4]